Sa mundong ito
ibat-iba ang klase ng tao
kahit san ka magtungo
ibat-iba ang makakasalamuha mo
isang umaga pag-gising ko
tanong na biglang sumagi sa isip ko
"bakit ganon ang tao?
kaibigan ko ba o kaaway ko?"
wala akong inipit na tao
wala akong inapakan kahit sino
kailangan pa bang isigaw ang mali ko
o lumuhod ako ng mapatawad nyo?
hindi na kailangan magpanggap
na sa tuwing tatalikod ako
bigla kang mananapak
mahirap bang mali koy matanggap?
hindi lahat maniniwala
hindi lahat ng bagay madadaan sa awa
lahat may pag kakaiba
tulad ng mabuti sa masama
bilog ang mundo
may karma ang tao
hindi lahat ng tao matatapakan mo
hindi lahat ng araw aayon sayo
sa liit ng pagkakamali ko
siyang laki ng ganti mo
kulang pa ba anag pagpatak ng luha ko
at ganyan katigas ang puso mo
lupa ang tapakan mo
hindi likuran ko
ang mabilis na pag-angat mo
kapalit pagdudusa ng ibang tao
sing tigas ka ng bato
langit ang tingin mo sayo
kahit pag luha pinepeke mo
lahat sayo nagpapaloko
lalabas din ang baho mo
mangingibabaw din ang totoo
siya na ang bahala sayo
humalakhak ka hanggat gusto mo
Monday, December 17, 2012
Subscribe to:
Posts (Atom)