Friday, March 9, 2012

BEST

Ang mundo umiikot sa araw
ang mundo ko sayo lang
ang puso ko, ikaw ang laging sigaw
pwede bang akin ka nalang?

sabi nila pagibig ay hadlang
ng makilala kita wala ng pakialam
kahit ano pang sabihin ng mga nilalang
di magbabago ang nararamdaman

sabi nila ang tao nagbabago
pero may tiwala ako sayo
alam kong mahal mo ako
at ganoon din ako

ng makilala ka ako'y naging masaya
kaya di ako naniniwala sa iba
na pag nagmahal ka
masasaktan ka

karugtong ng pagibig ang sakit
ayos lang kahit masakit
kung ikaw naman ang iniibig
kahit ika dugo pa ng labis

ingatan mo sana ang puso ko
tulad ng pagiingat ko ng sayo
ayokong maagaw ka ng iba
gusto ko akin ka lang sinta

ang tagal ng panahon
ang bilis ng kahapon
parang ikaw na malayo noon
na abot ko na ngayon.

0 comments:

Post a Comment