Sunday, March 4, 2012

Nasaan ka na PAGBABAGO?

Mga luhang
hindi na kayang pumatak
sa isipan
ay sadyang nakatatak

Mga bagay
sa mundong makasarili
ipinagkakait
sa taong nagpupursigi

Hinawakan ang rosas
na may nakatagong tinik
kahit dumudugo ng labis
hindi ipinakita ang sakit

Naguunahan sa kalangitan
at ayaw ng bumalik sa pinanggalingan
saan ka mapapadpad niyan?
kung hinuhulog mo sila sa iyong kinalalagyan

nasaan ang sinasabing pagkapantay-pantay?
kung siya mismo ayaw sumabay
ihip ng hangin kanyang pinipigilan
sa agos ng tubig siya'y nakikipag-unahan

Kaylan ba mababalanse ang mundo?
kung isa siya sa humahadlang dito
kaylan magkakaisa ang pusa't aso?
kung pilit niyang pinagaaway ito

Kaylan darating ang pagbabago?
kung ayaw mong simulan ito
kaylangan pa bang sabihin sayo
na isa kang makasariling tao?

0 comments:

Post a Comment