Monday, March 5, 2012

MISS

* Itong tulang to... gawa ng taong mahal ko...
unang tulang natanggap ko....sa kaibuturan ng kanyang puso *

Sa bawat segundo,
na hindi ka nakikita.
alam mo yung mundo,
sumasabay saking pagluha.

Sa bawat minuto,
na hindi mo pagparamdam.
Parang isang buwan ko,
kinikimkim yung dinaramdam.

Isang Oras.
na ang lumipas,
nakatingin sa itaas,
kalungkuta'y humahampas.

Dalawang Oras na.
Ni text mo wala pa,
Sinisigaw ng puso ko ay Airah,
ako'y nag-aalala

Sa ikaapat na oras ng ika'y,
nag-text ang aking buhay,
naging ngiti'y,
ang dating lumbay.

Kasi Airah Gonzales Mahal,
Mahal na mahal.
Hindi to pambobolang dinaan sa lyrical,
at ito'y totong pagmamahal
Alam yun ng may Kapal. 

0 comments:

Post a Comment