Hindi ko kailangan magpakatanga
para mahalin ako ng iba
hindi ko kailangan tumalon sa sapa
para pakinggan nila
Hindi ko alam kong anong ipiniputok ng kalamnan mo
gusto mo bang samahan kitang gamutin yang sakit mo
hindi ko kasalanang pinili nila ako
hindi ko rin kasalanang may tatlong star ako
Hindi mo na kailangang magpaturong lumangoy
mag suot ng salbabida'y di na kailangan oy!
dahil kung sunugin kay patunaw
at kung sumisid kay pa ibabaw
Bulok na bulaklak ang tingin nila sayo
nauubos na kandila ang sabi sa kanto
akoy nasasaktan para sayo
hindi ka parin ba magtitino?
Masama man sa iyong paningin
bat di mo subukang kilalanin
ng mundo moy umikot saakin
at malaman ang tunay na saloobin
Mas pinili kong mag-isa
kaysa makasama ka
mas pinili kong iwan mo
kaysa hagulgul ang ibungad mo
Hindi ko pagsisisihang naging totoo ako sayo
isa lang akong kaibigang nagaalala sayo
kung itoy mamasamain mo
ikaw ang bahala basta wala akong pagkukulang sayo
Thursday, October 20, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment