Thursday, October 20, 2011

Maginoo

Hindi siya perpekto
pero siya'y pursigido
hindi siya matipuno
pero siya'y maginoo

mga katangiang gustong-gusto ko
mga dahilang hindi ko ipagkakait sa inyo
kahit hindi niya ako gusto
siya naman ang inspirasyon ko
sanay wag siyang magbago

Ngayong alam mo na ang sikreto ko
wala na akong maitatago saiyo
sanay maintindihan mo
ang mga letrang tinitibok ng puso ko

masakit ang saktan ka
mahirap ang masumbatan pa
ayaw ko mang ipagkait ang pag-asa
pero sana akoy maintindihan mo na

masama man ako sa paningin mo
paasa man ang ituring mo
di parin magbabago
kaibigan parin ang turing ko sayo

itong mga huling salita ko
ay iaalay ko sayo
taksil man ang ituring mo
sinunod ko lang ang puso ko

0 comments:

Post a Comment