Hindi ko man masabi ng harapan to
idadaan nalang sa tula ko
ang nililihim ng puso ko
at gusto ng ipagsigawan sa mundo
gusto kita
MAHAL KITA
ikaw lang ang nagiisa
wala ng iba pa
itong mga salitang binitiwan ko
ang nagbibigay lakas upang tapusin ang tulang to
kailan mo ba mababasa to
at mapapansin ako
parang bulkang sasabog
ang kaba ng dibdib ko
parang pagod na pulso
ang bilis ng tibok nito
hindi ko mabitawan ang panulat ko
parang AKO na ayaw bumitaw SAYO
kahit anong tulak ang gawin mo
hindi magbabago, naging parte ka ng buhay ko
ang hirap pala ng ganito
pag alam mong sa sarili mo
na hindi ka handa sa kalalabasan nito
baka tulad ng iba ibasura niya lang ang mga tula ko
alam kong bandang huli
papatak ang luha ng unti-unti
hindi pa sigurado sa magiging sanhi
papahalagahan ko nalang ang bawat sandali
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment