Sunday, October 30, 2011

Paalam

Dahong natutuyo
damong tumutubo
pag-ibig na nabuo
unti-unting naglalaho

halakhak ang ganti
ngiting kay laki
mata ang saksi
sa iyong pagpupunyagi

pusong mag-isa
puno ng kaba
patak ng luha
naririnig mo ba

bingi sa kasinungalingan
pipe sa nararamdaman
bulag sa namamasdan
manhid sa katotohanan

ititigil ang kabaliwan
pusong sugatan
tinapon ng harapharapan
ng walang pagaalinlangan

magpapaalam muli
ang pusong sawi
hanggang sa huli
ikaw parin ang sanhi.

0 comments:

Post a Comment