Sunday, December 4, 2011

Kailan ba?

Nagiisa sa dilim
naghihintay ng makakasama
nagiisip ng sagot
sa tanong na "kailan ba?"

Di alam gagawin
kung pano ka lilimutin
idadaan ko nalang
ito sa panalangin

ref:
di na kita pipilitin
na akoy iyong alalahanin
di na kita susuyuin
kahit mahirap kang limutin

cho:
di na alam kung kelan pa iisipin
ang nakaraang kay sakit sa damdamin
di na alam kung hanggang san kakayanin
ang sakit na dulot ng pag-ibig
tama na....
mahal kita

liwanag ay darating
ngingiti rin ang mga labi
masasagot ang tanong
sasaya rin ang puso ko

titila rin ang ulan
araw ay sisikat na
matutupad ang hiling
hapdi rin ay mapapawi

repeat ref & cho

0 comments:

Post a Comment