TAKSIL
Pag gising sa umaga,
nakaraan ay limot na,
wala ng problema,
puso'y naghilom na.
Isipin ang ngayon,
pagtuunan ang kinabukasan,
limutin ang nakaraan,
at magsaya nalamang.
Ngayon, nagbalik ka,
at sabihing ako'y mahal pa,
hindi pa ba sapat,
ang mga luhang pumatak sa balat.
Walang pagaalinlangan,
na ako'y iyong saktan,
lumuhod ka pa sa harapan,
di kita pagbibigyan.
Pagtataksil mo ang dahilan,
kung bakit noon ako'y luhaan,
ngayong nagbalik ka,
at sabihin iyong pinagsisihan.
"Patawad"
salitang kay tagal kong hinintay,
hindi mo noon naibigay,
ngayon, ika'y walang saysay.
Kay tagal kong hinintay ang araw na to,
lumuha ka ng dugo,
patawad ko'y iyong matatamo,
kasalanan mo kung bakit naging matigas ako.
0 comments:
Post a Comment