Saturday, December 31, 2011

TAKOT

Baliw mo bang tatawagin,
kung ika'y mahal ko din,
sa hinaba ng panahon,
ika'y nanliligaw parin.

Maging kasintahan mo'y gusto rin,
ngunit puso'y takot padin,
di na alam ang gagawin,
para pigilan itong damdamin.

Parang bulkang sasabog ang puso ko,
nais ng sabihin na ika'y mahal ko,
sing tigas man ng bato ang utak ko,
sing lambot naman ng mamon ang puso ko.

Lahat ng pagsubok na alam ko,
ibinigay ko na sayo,
pero di ka parin sumuko,
ganyan mo ba ako kamahal iho.

Hanggang kailan mapipigilan to,
para lang di masaktan ng husto,
pagod ng magmahal ng tulad mo,
baka tulad nila paasahin mo rin ako.

Sinabi mong takot ang pigilan ko,
wag ang damdamin ko,
bigyan ng tiyansang magmahal ang puso ko,
ng isang katulad mo.

Sinabi kong darating ang oras nating dalawa,
upang pagmamahalan nati'y magkaisa,
ng hindi humantong sa disgrasya,
at magsasamang masaya.

Sinabi mong maghihintay ka,
at pinanghawakan ko ang iyong mga kataga:
"Sagutin mo man ako o hindi, liligawan kita
maipakita ko lang sayo na MAHAL KITA"

0 comments:

Post a Comment