Nais kong gumawa ng kanta,
kanta naming dalawa,
musikang maririnig ng mga tenga,
habang kami ay magkasama.
Habang tumutogtog siya ng gitara,
akoy magsisimula ng kumanta,
himig nami'y nagkakaisa,
pag-ibig sa isat isa'y nadarama.
Sa harap ng marami ako'y hinaharana,
mga mata niyang nagsasabing "ikaw lang sinta"
puso niyang sumisigaw ng "mahal kita"
at mga labing binabanggit ang pangalang "aira"
Musika ang bumuo saming dalawa,
RNB pag kami'y masaya,
Mellow pag may problema,
Romance pag nag iisa.
Ngunit wala na,
kahapon ay lipas na,
pagmamahalan naming dalawa,
wari'y naglaho na.
Ganito ba talaga?
ang pag-ibig ay parang musika?
minsan nasa tono ka,
minsan naman ay wala.
isa lang ang nabatid ko,
at nais ipaalam sa inyo,
sa musika nagsimula lahat ng ito,
sa musika din matatapos ang kaligayahan ko.
3:00 di aku makatuloq..
kaya naqawa ko to..
haha...
naalala na naman anq nakaraan... :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment